Netizens, humanga sa mga pilotong pinay na nagpalipad ng isang commercial flight mula Saudi pauwi ng Pinas

Kung anong kayang gawin ng isang lalaki, ay siya ding kayang gawin ng isang babae. Iyan nga naman ang pantay na pagtingin sa kakayahan ng isang lalaki at babae.

Credit: Cielo Villaluna Facebook

Totoo nga naman ito kaya naman makikita natin sa lipunan at henerasyon ngayon ang pantay na oportunidad at kalakasan sa isang lalaki at babae.

Credit: Cielo Villaluna Facebook

Isang halimbawa ang flight deck crew ng The Philippine Airlines. Makikita kasi na puro babae lahat ang mga piloto nito. Makikita na ibinahagi ito mismo ng PAL spokesperson Cielo Villaluna noong Huwebes. Makikita ang flight PR8655 mula Riyadh hanggang Manila noong Oct. 14 na nagkaroon ng all-female flight deck crew na may flag carrier na Airbus A330.

Credit: Cielo Villaluna Facebook

โ€œOur lady pilots were thr!lled!โ€ pagmamalaki ni Villaluna.
โ€œThis flight brightened up my day and made me forget about my worries. A flight of female pilots, former flight attendants and a former mil!tary female pilot. Wow, thank you ladies for sharing this beautiful sky with me. A flight full of hope and positivity, sisterhood, wisdom and faith. A milestone moment to be proud of!โ€ pagpapatuloy ni Villaluna.

Nakakabilib nga namang makita ito. Kung dati, ang lagi nating nakikita na nagiging deck crew at piloto ay mga kalalakihan. Ngayon, kayang kaya na rin ito ng mga kababaihan. Gaya na lamang nito, hindi isa kundi lahat ng crew ay babae.

Credit: Cielo Villaluna Facebook

Wala nga naman sa kasarian ang kagalingan at abalidad ng isang tao. Ang mas mahalaga ay ang pagkakaroon ng dedikasyon at sigasig sa pagkatuto at patuloy na pagtatrabaho.
Bilib na bilib ang lahat sa kanila lalo na mga kapwa kababaihan na tinaas talaga nila ang Girl Power.

Credit: Cielo Villaluna Facebook

“Girl power…I meant women empowerment! An amazing airline pilot can be a man or woman!๐Ÿ˜‡”
“Galing!!Hoping one day I can be in one of your flights”
“Great to see all women crew of Philippine Airlines ๐Ÿ‘๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’—”