Tignan ang napakaganda at napakacomfortable na “Luxury bus” papuntang Baguio City

Gusto mo ba mag staycation? O simpleng travel travel lang? O baka need mo nang closure kay x, baka ito na iyon mga kabayan! Baka lang naman. Ayain na ang gustong ayain, mapa pamilya, kaibigan, ka-ibigan, o si 3x na d makalimutan. Dahil ang Pangasinan Solid Transit, Inc. ay sagot ka dyan.

Abot kaya na kasi ang Luxury class papuntang Baguio. No more deluxe class, dahil sa dagdag na halagang 100 lamang ay makakarating kang Baguio na naka Luxury class! Ang Deluxe class ay naghahalaga lamang nang 750 pesos at kung gusto mong mag upgrade pa luxury, ay aba! Dagdag ka na lang nang isang daan at matutupad na ang iyong kahilingan. Kahilingang makarating nang Baguio ng mas comfortable at tila at home na at home!

Credit: Pangasinan Solid North Transit Inc FACEBOOK

Marami na nga ang nakapag avail at nakaranas nang sosyaling byahe mula sa Pangasinan Solid Transit Inc. kaya ano pang iniintay mo?

Ano bang mayroon sa Luxury Class at bakit hindi ka dapat magpa huli pa?

Credit: Pangasinan Solid North Transit Inc FACEBOOK

Ang Luxury class ay malawak na talagang hindi ka masisikipan kahit gaano ka katangkad, dahil ang iyong paa ay mas makakapag stretch dito, mayroon din itong comfort room kaya hindi ka na magpipigil nang number 1 at number 2 para mag intay na makarating sa malapit na bus stop, dahil any time ay maari kang magpunta ng comfort room, no hassle hindi ba?

Ito din ay individual seat at buspad na para sa movies, games at music equipped with lazyboy recliner, individual Air conditioner vent na may pa reading lights pa nga, kaway kaway sa mga mahilig mag basa dyan at malalabo ang mata para din ito sa inyo.

Credit: Pangasinan Solid North Transit Inc FACEBOOK

Ito din ay may Free Wifi kaya pwede ka mag selfie nang kahit gaano karami kabayan para mai-post sa iyong social media, o di kaya ay makapag scroll sa iyong social media account. At kung nalowbat ka naman, hindi ka din mag wo-worry dahil mayroon din itong charging USB port.

At syempre higit sa lahat bukod dito, ito ay malinis at siniguro nga na commuter friendly at talaga nga namang mae-enjoy mo byahe pa lang!

Credit: Pangasinan Solid North Transit Inc FACEBOOK

Kilala ang Pangasinan Solid Transit Inc. sa kalidad na serbisyo nito noon at hanggang ngayon, kaya makakasiguro ka sa iyong safety at magiging komportable ang iyong byahe!

Sa huli, anuman ang dahilan nang iyong byahe at kung sinuman ang iyong makakasama. Mahalaga pa din ang ligtas, malinis at fully equipped for the long ride ang iyong masasakyan, kaya tara na sa Baguio kabayan? Mag book na sa Pangasinan Solid Transit Inc.

Credit: Pangasinan Solid North Transit Inc FACEBOOK