Tingnan ang nakakakilig na love story ng magkasintahan na sina Mariano at Angel

“Love is blind and love knows no v!rus ika nga sa panahon ngayon ng pand3mic. Bakit nga ba trending online ang ligawan nina Mariano and Angel? Pero kahit may ilang di sang-ayon, deadma sila sa b@shers kaya magkakaalaman na kung ano nga ba ang reak score sa kanila?”

Credit: Rated K Facebook

Ganito ang naging caption ng batikang broadcaster na si Ms. Korna Sanchez bago makapanayam ang tambalang Margel.

Credit: Rated K Facebook

Ibinahagi ng tambalang MarGel ang kanilang naging istorya bago makamit ang mga pinapangarap na bahay at sasakyan sa pamamagitan ng show na “Rated Korina” sa TV 5.

Credit: Rated K Facebook

Si Mariano ay labingwalong taong gulang pa lamang na isang Aeta mula sa Mabalacat, Pampanga. Pangatlo sa anim na magkakapatid si Mariano, bata pa lamang ay hindi na bago sa kanya ang salitang “kah!rapan” kaya naman nagsumikap siya sa buhay at ang pagtitinda ng wooden flute ang kanyang hanap buhay noon.

Credit: Rated K Facebook

Hilig ni Mariano ang pagkakanta kaya naman sumasali siya sa mga singing contests, isa na nga rito ang Street Karaoke Challenge. Ito ang naging daan upang madiskubre siya ng isang talent agency at kinuha niya itong star sa kanilang vlogs.

Credit: Rated K Facebook

Kalaunan ay nakilala ni Mariano ang dalagang si Angel na taga Porac, Pampanga. Tatlong buwan na ang kanilang relasyon, marami man ang nagsasabing hindi sila bagay at humahadlang sa kanilang pag-iibigan ay nananatili pa rin silang matatag at patuloy na pinapasaya ang kanilang mahigit isang milyong taga subayabay sa kanilang Youtube Channel.

Credit: Rated K Facebook
Credit: Rated K Facebook

Maraming mga fans ang humanga sa kanilang dalawa dahil sabay nilang inaabot ang tagumpay ng buhay. Makakasigurong magiging masaya pa ang susunod na taon ng kanilang pagmamahalan basta’t kalakip nito ang pananatiling mapagkumbaba at ang Diyos ang magiging sentro ng kanilang relasyon.

Credit: Rated K Facebook