Tunghayan ang napakabongga na gender reveal party ng mag-asawang ito na ginanap sa Dubai

Usong uso ngayon lalo na sa mga artista ang gender reveal party. Ito ay selebrasyon na kung saan i rereveal ng mga magulang ang gender ng kanilang baby.Kasama nila sa selebrasyon ang mga pamilya, kaanak at malalapit na kaibigan. Pero ngayong p@ndemya, marami na rin sa kanila ang ginawa ito ng virtual celebration sa online.

Pero, kakaiba ang mag-asawa ito mula sa Dubai. Ang Youtube stars na sina Anas at Asala Marwah ay hindi lamang basta basta ang pagdiriwang. Walang lobong pinaputok o cake na inisl!ce kundi sinigurado talaga nilang makikita ito ng buong mundo para sa kanilang ikalawang anak.

Source: Burj Khalifa instagram

#BiggestBabyRevealEver, iyan naman ang kanilang official hashtag sa kanilang post na kanila namang napanindigan dahil masasabi mo talagang napaka enggrande ng kanilang gender reveal.

Source: Burj Khalifa instagram

Makikita sa video, na nandoon ang mag-asawa kasama ang panganay na anak at ang mga kapamilya nila. Lahat ay tumitingin sa pinakamataas na tower sa buong mundo.
Makikita ang 2,717 feet tall na tower na mayroong mga pink at blue lights at lahat ay nakatingala dito. Lahat ay excited na malaman kung lalaki o babae ba ang susunod nilang anak.

Source: Burj Khalifa instagram

Mayroon pa itong pa susp3nse na 10 seconds countdown, kaya naman ng dumating ang announcement na “It’s a boy!” na may blue background ay nagpalakpakan na ang lahat.
Talagang wala nga namang makakapantay sa sobrang enggrande ng gender reveal na ito. Kahit sino ay hindi mapapantayan ang napakabonggang gesture na ito.

“Congratulations @anasmarwah and @asalamaleh,” saad ng Burj Khalifa.Samantala, makikita naman ang lahat mula sa preparasyon hanggang sa big reveal nito sa inupload na video sa Youtube channel nilang Anasal Family na mayroon ng halos 15 million views.
Kaya naman, lahat ay bilib na bilib talaga sa kanila at mapapa sana all ka nalang sa garbo ng gender reveal party na hinanda nila.